Pananaw sa Ikaklit

Kung gusto ko ng isang maganda at mahalimuyak na bulaklak, ito’y aking tutubigan. Ang lupang tinatayuan ay aking papatabain. Ito’y ilalagay ko sa kung saan nakatutok ang sinag ng araw. Para na lang ang aking pamilya, ito’y aking tutubigan ng pagmamahal, aking papalakasin ang lupang kinatatayuan, at bibigyan ko ng liwanag sa bawat oras, ngunit hindi ganyan kabilis. Kailangan palagi kong ginagawa. Kailangan hindi ako magsawa. Sa buhay natin ngayon, minsan hindi natin sila’y napupuntahan at nasasamahan. Sila’y pagod sa trabaho at tayo’y, kahit na hindi pagod sa eskuwela, ay mayroong madaming homework o baka mas pinapahalagahan ang kompyuter. Mahal natin sila ngunit tinatamad tayo. Itatanong ko, ano ang bulaklak kung hindi palaging nabibigyan ng liwanag, tubig, at pampataba sa lupa? Hindi ito tatagal at malalanta rin ito. Para na lang ang pamilya kapag hindi mo rin tinrato ng kung paano mo tratuhin ang iyong minamahal na bulaklak, sila rin ay malalanta. Hindi rin tatagal ang iyong pagmamahal sa isa’t-isa. Para ka lang nakatingin sa lantang halaman. At kapag huli na, aanhin mo pa ang tubig at liwanag kung lanta na ang halaman? 

About emunoz14

Complicated.
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

Leave a comment